1Bataan Village regalo ni Gob. Abet sa fire victims

Kasabay ng pagdiriwang ng kanyang ika-50 taong kaarawan nitong Sabado, Pebrero a uno, ay pinangunahan ni Bataan Governor Albert Raymond S. Garcia ang groundbreaking ceremony sa 1Bataan Village sa bayan ng Orion.

Ito ang regalo ni Gob. Abet sa mga residenteng nasunugan sa bayang ito noong Enero 2019 sa Sitio Depensa sa Barangay Capunitan.

Dumalo rin sa naturang okasyon sina Vice Gov. Cris Garcia at SP Bataan members, Bataan 2nd District Rep. Joet Garcia, Orion Mayor Tonypep Raymundo at SB Orion Members, AFAB Chair Emmanuel Pineda, Hermosa Mayor Jopet Inton, Balanga City Mayor Francis Garcia, NHA at DHSUD officials, Bataan press, barangay officials at mga residenteng mabibiyayaan ng proyekto.

Ang naturang proyekto ay sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bataan, Orion LGU, NHA, Department of Human Settlement and Urban Development at tanggapan ni Senador Bong Go. lMHIKE CIGARAL

Sending
User Review
0 (0 votes)
scroll to top