ALAB, mga opisyal ng Mariveles, nagbayanihan

Ang samahang ALAB (Alay sa Bayan),na pinamumunuan ni dating Mayor Ace Jello Concepcion kasama ang Sangguniang Bayan ng Mariveles na pinamumunuan ni Vice Mayor Lito Rubia ay nagsama-sama sa isang bayanihan operation para makapagbigay ng limang sakong tig- kalahating kabang bigas sa 18 barangay ng Mariveles.

 

Ayon kay dating mayor Ace Jello Concepcion, dama niya ang hirap na dinaranas ng kanyang mga kababayan kung kaya’t nagkaisa silang maghatid ng tulong kahit na di gaanong malaki para makapag-tawid gutom sa mga mahihirap at nawalan ng trabahong mga kababayan.

 

Nauna na rito ay nagmahagi na rin ang ALAB ng tig limang libong piso sa 18 barangay upang maipandagdag sa kanilang pondo na pantulong sa kani kanilang mga nasasakupan. Matatandaang nakapag donate na rin ang ALAB ng 1,000 face masks sa ilang mga ospital tulad ng Mariveles district hospital, MAHESECO, Mun. Health Office, MMWGH at mga barangay sa

bayan ng Mariveles.

Sending
User Review
0 (0 votes)
scroll to top