Babala sa mga punong barangay

Mariing nagbabala si DILG Undersecretary for Barangay Affairs, Martin B. Dino ng DILG sa 42, 044 na punong barangay sa buong Pilipinas, sa gitna ng kinakaharap na problema ng bansa dulot ng COVID-19, na hindi mangingimi ang kanilang ahensya na ipakulong ang sinumang opisyal ng barangay na masasangkot sa graft and corruption sa pagtulong sa ating mga kababayan.

Ayon pa kay Usec. Dino, naglabas na umano ang DILG ng kampanya na “Bantay Kaagapay” laban sa corruption kung saan ay may direktiba para sa mga opisyal ng barangay na mag conduct ng inventory ang DILG para alamin kung saan dinala ang pera ng barangay, kung ang lahat nga ba ng mahihirap ay natulungan ng barangay.

Sa pakikipag-ugnayan sa COA, kinakailangan umano na makapag liquidate na ang mga punong barangay ng lahat ng kanilang mga pinagkagastusdan matapos ang tatlong buwan dahil kung hindi ayernment  diretso umano silang kakasuhan sa Ombudsman. Masusi umanong susriin ng kanyang opisina ang paglalabas ng pera ng barangay at sisiguraduhin na makukulong ang mga opisyal na walang tamang liquidation.

.Samantala, sinabi naman ni Pangulong Duterte na mandato ng lahat ng opisyal ng barangay na makiisa at makipagtulungan sa national government lalo na sa panahong ito, at kung mayroon mang opisyal ng barangay na hindi tutupad sa kanyang tungkulin gaya ng hindi pag-alam kung ano ang mga pangangailangan ng kanyang mga nasasakupan ay wala sya umanong karapatang maging opisyal ng barangay at maaari pa syang kasuhan ng dereliction of duties.

Sending
User Review
5 (1 vote)
scroll to top