Bagac, zero COVID-19 cases na

Nakarekober na kahapon, ika-13 ng Hulyo ang isang OFW na nagpositibo sa COVID-19 sa bayan ng Bagac na itinuturing na isa sa mga tourist destinations sa ating Lalawigan. . Ayon kay Administrator Nick Santiago Ancheta base sa tala ng Bagac Rural Health nagnegatibo na ang nasabing OFW sa swab test habang siya ay nanatili pa sa isang ospital. Lahat din umano na mga nakahalubilo ng nasabing pasyente ay walang nahawa o nagpositibo sa test.. Idinagdag pa ni Administrator Ancheta na nagbunga nang maganda ang kanilang paghihigpit sa kabila ng tampo at hinanakit ng iba nilang kababayan. Kaugnay nito labis na pinasalamatan nina Bagac Mayor Ramil del Rosario at Vice-Mayor del Rosario ang kanilang mga kababayan na nakipagtulungan habang nilalabanan ang pagkalat ng COVID-19

Sending
User Review
0 (0 votes)
scroll to top