Beach resorts sa Bagac, naghahanda na

Sa isang panayam kay Bagac Municipal Administrator Nick Ancheta, sinabi nyang pinaghahandaan umano nila ang posibleng pagpasok ng mga turista sa kanilang bayan lalo pa’t pinayagan na ng IATF ang pagbubukas ng mga ito. Subali’t may malaking pasubali na ang pwede lamang umanong magbukas ay yong nabigyan na ng Department of Tourism ng certificate to operate, na sa ngayon ay tanging Las Casas Filipinas de Acuzar at Lemiure beach resort pa lamang ang nakasunod sa mga hinihinging requirements para dito.

Sa kasalukuyan ay nasa 39 ang accredited beach resorts sa bayan ng Bagac. Ayon pa kay Ancheta, para makapasok ang sinomang turista sa bayan ng Bagac, sa checkpoint pa lang ay magpapakita na sila ng health documents partikular na ang “negative result” ng swab test, permit to travel mula sa kanilang point of origin, approval ng kanilang pre-arranged transaction sa resort na kanilang pupuntahan at iba pang mahahalagang personal na dokumento. Sa ngayon, dagdag pa ni Ancheta ay talagang nagkukumahog ang mga resort owners na mag file ng kanilang mga papeles sa DOT Region 3 upang mahabol pa ang mga nalalabing araw ng bakasyon para kumita kahit pa 50% occupancy lamang ang dapat na pumasok na turista sa kanilang resorts.

Sending
User Review
5 (1 vote)
scroll to top