Brgy. Cupang West, wagi sa 1Bataan Seal of Healthy Barangay Challenge

Nagbunga ang pagsusumigasig ng mga residente at opisyal ng nasabing barangay nang gawaran sila ng Pamahalaang Panlalawigan ng 1Bataan Seal of Healthy Barangay noong nakaraang Bataan Health Summit.

Personal na iginawad nina Bataan Governor Albert Garcia, Vice-Governor Cris Garcia, Board Member Dr. Bong Galicia at opisyal mula sa Provincial Health Office ang halagang Fifty Thousand Pesos(Php50,000) kay Barangay Secretary Thelma Desipida.

Ang Cupang West ang unang barangay sa Lungsod ng Balanga na nagwagi ng 1Bataan Seal of Healthy Barangay, batay sa isinagawang balidasyon ng Pamahalaang Panlalawigan at ng Department of Health nitong buwan ng Agusto.

Sending
User Review
0 (0 votes)
scroll to top