Certified seeds, ipinamahagi sa mga magsasaka ng Lungsod

Pinangunahan ni City Mayor Francis Garcia ang pamamahagi ng certified seeds sa mga magsasaka noong ika-2 ng Disyembre sa City Hall Balanga.
Ayon kay Mayor Francis ang mga naturang binhi ay ibinigay sa ating mga magsasaka bilang suporta ng City Agriculture upang mapaganda ang ani at maitaas ang kita ng mga magsasaka sa Lungsod ng Balanga.

Samantala pinasalamatan naman ng mga magsasakang nakinabang kabilang na rito si Mr. Ariel Ladia ng Sitio Maluang Cupang Proper sa libreng binhing inilaan ng City Agriculture sa pamumuno ni Ms. Nerissa Mateo, City Agriculturist. Isang kabang binhi ang tatanggapin para sa magsasakang nagsasaka ng isang ekyarya.

scroll to top