Commercial complex itatayo sa Mariveles

ISANG makabagong commercial complex ang nakatakdang itayo sa coastal area o malapit mismo sa dalampasigan ng Mariveles at harap din ng munisipyo ng naturang bayan.
Ayon kay Mariveles Mayor Jocelyn Castaneda, ang planong P2 billion commercial complex ay matagal nang balak ni dating mayor Angel V. Peliglorio noong siya ay nakaupo pang mayor.

Sinabi ni Mayor Castaneda na magkakaroon din ng iba’t-ibang terminal ng mga sasakyan bukod sa mga negosyong itatayo ng mga malalaking investor mula sa iba’t-ibang lugar sa Bataan bukod sa malalaking negosyante sa bayab ng Mariveles.

Darating umano ang araw na ang mga taga-Mariveles ay hindi na kailangan pang lumayo para sa kanilang shopping spree at sa halip sa naturang commercial complex na lamang pumunta.
Isa sa pinakamayamang bayan ang Mariveles sa buong bansa at nasa bayang ito ang Freeport Area of Bataan (FAB) na may mahigit 44,000 factory workers mula sa iba’t-ibang bayan ng Bataan.

Nagbukas na rin ang Maiveles District Hospital na halos kumpleto na rin sa mga instrumentong pang-kalusugan na tinutulungan ng pamahalaang panlalawigan ng Bataan at ng Department of Health.

Sending
User Review
0 (0 votes)
scroll to top