Consumerism, patuloy na isinusulong ng DTI

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Patuloy ang kampanya ng Department of Trade and Industry (DTI) sa tulong ng Bataan Consumer Affair Council laban sa paggamit ng mga timbangan na hindi properly calibrated, sa lahat ng mga palengke sa buong lalawigan ng Bataan.

Ayon kay Maria Concepcion Sanico, DTI Consumer Protection Division Chief, sa kabila ng patuloy nilang pag-ikot sa mga palengke, maliit man o malaki, upang masiguro kung tama sa kilo ang mga timbangan ng mga tinder, mayroon pa rin silang nahuhuling mga weighing scales na hindi properly calibrated..

“Wala kaming magawa kundi kumpiskahin ang kanilang ginagamit na timbangan at dalhin sa Treasurer’s Office”, dagdag pa ni Sanico. Kasama sa kanilang pag-iikot ang tauhan ng treasurer’s office ng bayan, gayundin ang mga tauhan ng pulisya sakaling magkaroon ng violent reaction. Ang kinumpiskang timbangan ay isinasauli sa mga tindera sa oras na ito ay properly calibrated na.

Sinabi rin ng hepe ng DTI Consumer Protection Division na lalo pa nilang pinalalawak ang kanilang information campaign hinggil sa consumerism program ng kanilang ahensya sa buong Bataan. Kung ang mga mamimimili ay may sapat na kaalaman, sila ay mas magiging mapagmasid at matututong makialam upang pangalagaan ang kanilang karapatan bilang responsableng mamimimili. Sa ganitong paraan, hindi lamang ang kapakanan ng mga mamimili ang napangangalagaan, kundi pati na rin ang kapakanan ng mga nagnenegosyo sa buong lalawigan.

Kaugnay nito, naglagay na rin ang mga tauhan ng DTI sa pamumuno ni Provincial Director Nelin Cabahug sa tulong ni Gob. Albert Garcia ng mahigit sa 27 properly calibrated weighing scales na ikinalat sa lahat ng mga palengke, maliit man o malaki, sa buong lalawigan.

Sending
User Review
0 (0 votes)
scroll to top