COVID 19, isang dagok sa ating ekonomiya

Inamin ni Gob. Albert Garcia ang negatibong epekto ng COVID 19 sa buhay
ng bawat isa, sa lahat ng nangyayari sa pamahalaan lokal man o nasyonal at higit sa lahat sa ating ekonomiya.

Ayon pa sa Gobernador na isang napakalaking setback ang problemang ito sa ating global economy, sa national economy, sa local economy at maging sa provincial economy, na even before we reached this stage ay nararamdaman na natin ang epekto sa ating mga economic and freeport zones dahil na rin sa “ban” ng mga flights, kung kaya’t the sooner we solve this problem the better for all of us in terms of health and in terms of our economy.

Para sa ating mga manggagawa na madi displace dahil sa problemang ito, sinabi niyang ang DOLE ay may ibinibigay umanong package o assistance para sa ating mga manggagawa, Umapela din si Gob. Garcia sa private sectors na sana ay magawan nila ng paraan na matulungan ang ating mga manggagawa.

Sending
User Review
0 (0 votes)
scroll to top