Dinalupihan, nagpatupad na ng 24-hour curfew

Ipinasa na ng Sangguniang Bayan ng Dinalupihan sa pamumuno ni Vice Mayor Renato Matawaran ang Municipal Ordinance No. 64-2020, “An Ordinance declaring twenty four(24) hour curfew within the territorial jurisdiction of the Municipality of Dinalupihan due to corona virus disease, authored by SB Member Elizalde M. Torno.

Sa nasabing ordinansa, malinaw na isinasaad ang Republic Act 11332 na mas kilala sa tawag naMandatory Reporting o Public Health Concern na kinakailangang maihatid sa publiko ang pina-ka relevant, efficient at effective surveillance and response system mula sa national at local government. Gayundin ang Proclamation 929 Declaring a State of Public Health Emergency in the Country kung kaya’t ang Pamahalaang Bayan ng Dinalupihan ay nagsagawa ng mga inisyal na measures gaya ng “STAY AT HOME” order at liquor ban upang masiguro ang pagsunod ng lahat sa Enhanced Community Quarantine.

 

Ang nasabing ordenansa na nagtatakda ng 24-hour curfew ay naging epektibo noong unang araw ng Abril 2020 sa territorial jurisdiction ng Dinalupihan. Isinasaad din sa ordenansa na ang sinumang lalabag sa nasabing ordinansa, gayundin mga magulang ng mga menor-de edad, ay isinasaad ay magmumulta ng halagang dalawang libo at limang daan (2,500) piso o pagkakakulong ng limang araw.

Sending
User Review
0 (0 votes)
scroll to top