DTI namahagi ng starter kits

Namahagi ang Department of Trade Industry (DTI) sa pangunguna ni DTI Provincial Director Nelin Cabahug, ng mga starter kits sa walong (8) piling benepisyaryo sa Brgy. Cupang Proper, Lungsod ng Balanga ngayong umaga, ika-8 ng Hulyo

Ang starter kit na nagkakahalaga ng limang libong piso bawat isa ay sa ilalim programang “Livelihood Seeding Program-Negosyo Serbisyo sa Barangay ng DTI na naglalayong tulungan ang mga benepisyaryo na makapagsimula ng kanilang kabuhayan, ayon sa kanilang kakayahan.

Ang bawa’t benepisyaryo ay pinagkalooban din ni Balanga City Mayor Francis Garcia ng tatlong libong piso para sa kanilang panimula. Samantala, walong (8) starter kits ang ipamamahagi sa Cupang North ngayong hapon.

Sending
User Review
0 (0 votes)
scroll to top