Gob. Abet, nagpasalamat sa mga peace and security forces

LUNGSOD ng BALANGA , Bataan – Nakatutuwa umano ayon kay Gob. Abet Garcia na ang haba ng bakasyon pero walang nangyaring “untoward incident” sa lalawigan kung kaya’t ganon na lamang ang pasasalamat niya sa lahat ng ahensya na nagtrabaho habang tayo ay nagdaraos ng Undas.
Ayon pa kay Gob. Abet, ang mga taong ito na nandon sa initan sa ibat ibang bahagi ng Roman Super highway para siguruhin na magiging maayos ang daloy ng trapiko, walang magiging kaguluhan o aksidente para sa lahat ng ating mga bisitang dumalaw ay tunay na pagpapakita ng malasakit para sa lalawigan.
Kanyang pinuri ang mga ahensya ng PNP, MBDA, PDRRMO, PROV’L ENGINEERING OFFICE, DPWH, RED CROSS, REACT at iba pang volunteer groups na naglaan ng kanilang panahon, oras at pagod para sa ating mga kababayan lalo na sa mga bisita na dumalaw sa lalawigan para sa pagdaraos ng Undas ay naging maayos, mapayapa at maganda ang kanilang paglalakbay at pagdaraos ng undas sa lalawigan.

Sending
User Review
0 (0 votes)
scroll to top