“GREENER THAN GREEN PROGRAM” INILUNSAD SA BALANGA

Inilunsad na ng Pamahalaang Panlungsod sa pamumuno ni Mayor Francis Garcia ang programang “GREENER THAN GREEN” sa 25 barangay ng Lungsod.
Ayon kay G. Ming Tigas, dating punong barangay ng Brgy. Cataning na isa sa mga hurado, layunin ng programa na mabigyan ng bagong mukha ang ating lungsod sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga gulay at iba pang halaman.
Sinabi pa ng dating kapitan na malaking tulong ito upang maibsan ang air pollution at ang matinding init dulot ng climate change.

Ilan sa mga pamantayan ay; 1.Bilang ng purok na nakilahok (20%) 2. Pagiging malikhain na ginamit na sisidlan o paso ng mga halaman (20%) 3. Pagiging malikhain (creativity) at kakaiba (uniqueness) (20%) 4. Greener than Green Impact (kapansin pansin dapat ang malaking pagbabago) (20%) at 5. Mini botanical garden (20%) na may kabuuang total na 100%.
Ang mananalo sa timpalak na ito ay makatatanggap ng P20,000; 2nd price- P15,000, 3rd place- P10,000, 4th place- P7,000 at 5th place- P5,000.

Samantala ipinahayag naman ni Central Brgy. Kagawad Rodrigo Celis, Chairman Committee on Agriculture na makikilahok ang buong Sangguniang Barangay kasama ang kanilang Punong Barangay Romeo Caparaz hindi para manalo kundi para mapanatili na malinis at malusog ang kanilang barangay.
Ang programa ay inilunsad ng Office of the City Environment & Natural Resources Office sa tulong ni Sangguniang Panglunsod Member Benjie Merinio, Committee Chairman on Agriculture at mga opisyal ng Lungsod.

Sending
User Review
0 (0 votes)
scroll to top