KABAKA nagdiriwang ng ika 23-taong founding anniversary

Nasa apat na libong myembro ng Kababaihan ng Bataan Tungo sa Kaunlaran o KABAKA mula sa bayan ng Hermosa ang nakilahok sa pagdiriwang ng ika-23 founding anniversary nito sa Palihan Covered Court, Palihan, Hermosa, Bataan nitong Sabado at Linggo.

Layon ng naturang grupo na maitaas ang antas ng pamumuhay ng bawat myembro nito sa pamamagitan ng mga livelihood trainings at iba pang mga kaalaman para sa women empowerment.
Bukod sa mga naging ulat at pagbati ng mga lokal na opisyal ay nagkaroon ng kantahan at sayawan bago namahagi ng mga regalo sa mga dumalo.
Matapos ang bayan ng Hernosa ay isasagawa ito sa bayan ng Samal, sa Samal North Elem. School sa Pebrero 29; March 1 sa Abucay, Bonifacio Camacho HS; March 7-8 sa Dinalupihan, Dinalupihan Civic Center; March 14-15 sa Orani, Orani Covered Court; at sa March 21 ay sa bayan ng Morong, Morong Covered Court (Plaza).

Nanguna sa selebrasyon sina Bataan 1st District Rep. Geraldine Roman, ang Founder ng KABAKA na si former Congresswoman at ngayo’y Directress ng SBMA na si Herminia Roman kasama sina Atty. Tonyboy Roman, Vice Mayor Eigie Malana, Board Members Jomar Gaza at Doc Bong Galicia, barangay officials at mga tagasuporta ng naturang women’s group na siyang kauna-unahang samahan ng kababaihan sa Bataan.

Sending
User Review
0 (0 votes)
scroll to top