Kampanya laban sa pagkalat ng corona virus, lalo pang pinaigting

Mas lalo pang pinaigting ni Bagac Mayor Rommel del Rosario ang kampanya laban sa COVID 19. Ayon kay Municipal Administrator Nick Ancheta nilagdaan ni Mayor Rommel ang isang executive order na naglalayong masugpo ang pagkalat ng virus sa kanilang bayan nitong ika-14 ng Marso, 2020.

Mahigpit na ipinatutupad ngayon ang paggamit ng thermal laser gun para makuha ang temperatura ng katawan bawat tao na papasok sa bayan na mahigpit na tinatanuran ng Special Task Force on COVID 19 sa Barangay Parang.

Inatasan ng Punong Bayan ang lahat ng tanggapan sa loob at labas ng Munisipalidad na linisin at idisinfect lalong lalo na ang mga door knobs at keyboard ng mga computers.
Nakasaad din sa order na apat na araw lang ang pasok ng mga empleyado: Lunes, Martes, Huwebes, at Biyernes simula alas 7:00 ng umaga hanggang alas 6:00 ng hapon maliban sa mga empleyado at opisyal ng Public Health and Safety Office at miyembro ng Special Task Force on COVID 19.
Ipapatupad din ang curfew sa lahat ng barangay sa mga kabataan alas 8:00 ng gabi hanggang alas 4:00 ng madaling araw. Pansamantalang ipinasara ang mga beach resorts,

Sending
User Review
0 (0 votes)
scroll to top