Kauna-unahang eksibit ng imahe ni San Jose, pinasinayaan

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Pinangunahan ni Bishop Ruperto Santos ng Diocese ng Cathedral ng Balanga ang pagbabasbas sa kauna-unahang eksibit na nagpapakita ng buhay ng Patron ng Balanga na si San Jose, na ginanap sa St. Joseph Formation Center kahapon, ika 19 ng Abril.

Ayon kay Bishop Santos, ang naturang eksibit na binubuo ng humigit kumulang sa 25 imahe, ay naglalayong ipalaganap ang pamimintuho at palakasin ang pananampalataya ng mga kalalakihan sa Diyos at sa pagno-Novena kay San Jose.

Sinabi pa ni Bishop Santos na dahil ngayon ay taon ng parokya, kung kaya’t ito ang kanilang partisipasyon sa kapistahan ni San Jose hanggang sa kapistahan ng lungsod ng Balanga, bilang patron (San Jose) ng syudad na ito, sya ay sagisag ng isang mapagmahal na ama at protektor ng mga bata.

Kung atin umanong mapapansin, ang kamatayan ni San Jose ay Marso 19, at sa Abril 28 na araw naman ng kapistahan ng Balanga, dito naman pumapatak ang kanyang ikaapatnapung araw (40 days) ng kanyang kamatayan.

Makikita sa eksibit ang mga imahe na sa tuwing mahal na araw lamang ipinuprusisyon,ngunit sa pagkakataong ito, ayon naman kay Father Abe, parish priest ng Balanga, ang karagdagan sa mga imahe ay malaking rebulto ng “Sleeping San Jose” gayundin ang isang imahe ni San Jose na noon pa umanong 18th century, na pag-aari umano ng isang Jonas Gonzales ng Puerto Rivas, Balanga City.

Sa simpleng ribbon cutting na pinangunahan ni Dr. Salud Bagalso at Annie Banzon, na may pag-aari din ng isa sa mga imahe na nasa eksibit, sinabi nilang naiiba ito sapagkat ito ay nagpapakita ng naging buhay ni San Jose.

Sinabi ni Arlene, na siyang may-ari ng Sleeping San Jose, ipinagawa niya ito bilang pagpapasalamat sa Patron ng Balanga at sa Diyos sa mga biyayang ipinagkaloob sa kanilang pamilya.

Ang eksibit ay tatagal mula Abril 19 hanggang Abril 28, 2017, libre lamang makapapasok ang mga mananampalataya.

Sending
User Review
0 (0 votes)
scroll to top