๐—ž๐—ผ๐—ผ๐—ฝ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป, ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—น๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—–๐—ข๐—ฉ๐—œ๐——-๐Ÿญ๐Ÿต

Agarang nagsagawa ng press briefing si Gobernador Albert Raymond S. Garcia noong Sabado March 14, 2020 sa The Bunker, nang magpositibo sa COVID 19 ang isang kababayan nating lalake.

Dahil dito hiningi ng Gobernador ang kooperasyon ng lahat, pati na mga religious groups na huwag na munang magsagawa ng mga malakihang pagtitipon upang hindi na kumalat pa ang naturang sakit.
Kaugnay nito, hiniling din ng Gobernador sa lahat na ugaliing maghugas ng mga kamay, kumain ng mga gulay at prutas para mapalakas ang ating pangangatawan at immune system.

Ipinatupad na noong Biyernes ng gabi ang pagkuha ng body temperature ng mga biyeherong pumapasok sa Bataan sa pamumuno ng mga tauhan ng Provincial Health Office, MBDA, PNP sa mga checkpoints na inilagay sa mga entry at exit points sa buong lalawigan, isa na dito sa may SCTEX-Dinalupihan upang makasiguro na ligtas ang ating mga kababayan sa COVID-19.

Sending
User Review
0 (0 votes)
scroll to top