Lahat ng uri ng shellfish sa 8 bayan at lungsod ng Bataan, positibo pa rin sa Red Tide

Batay sa Shellfish Bulletin ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region 3 noong ika-15 ng Enero, positibo pa rin sa paralytic shellfish poison ang mga karagatan sa mga bayan ng Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Hermosa, Orani, Abucay, Samal, at Lungsod ng Balanga.

Kung kaya’t mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagkuha, pagbebenta, pagbili, at pagkain ng ano mang uri ng shellfish gaya ng tahong, talaba, halaan at iba na makukuha sa mga nabanggit na lugar.

Sending
User Review
0 (0 votes)
scroll to top