Mahigit P3M na proyektong pang agrikultura sinimulan

Tinatayang aabot sa halagang P3,409,000 ang proyekto ng Provincial Agriculture Office (Fishery Division) sa dalawang bayan ng Bataan sa pagpasok ng taong 2020.

Ayon kina Engr. Johanna Dizon at G. Danilo C. Abrera, Senior Agriculturist (Fishery Division) ang makikinabang dito ay mga mangingisda sa mga bayan ng Bagac at Morong.
Sinabi pa ni G. Abrera na sinisimulan na nila ang paggawa ng fish cage na paglalagyan ng mga fingerlings na bangos, gaya ng ginawa ng grupo ng Kinawan Bangus Culture Association.

Baklad naman ang programa ng Bantay Dagat Association sa Barangay Mabayo bayan ng Morong. Tapos na rin umano ang lahat ng requirements dito at hinihintay na lamang ang pondo na inilaan ng Pamahalaan na aabot sa halagang P3 milyon sa ilalim ng Agricultural Competitiveness Enhancement Fund Lending Program ACEF.

Sending
User Review
0 (0 votes)
scroll to top