Malinis na, abot kaya pa!

ABUCAY, Bataan – Hanap mo ba ang malinis at malamig na tubig saka murang entrance?, Tara nang maligo sa 7R Resort na matatagpuan sa Barangay Capitangan ng bayang ito.

Ayon kay Rolly Acordo isa sa may ari, ang resort ay ipinangalan ng kanilang ama  sa kanilang pitong magkakapatid na pawang nagsisimula sa letrang R ang pangalan. Magdadalawang taon pa lang mula nang buksan sa publiko ang nasabing resort.

Ang entrance fee ay P70 sa matanda at P35 naman sa mga bata. Ang renta sa cottage ay P300. May dalawang pool na pang matanda at isang pool para naman sa mga bata na pawang may bubong  na yero.

 “Ang kaibahan ng 7R sa ibang resort ay araw araw naming pinapalitan ang tubig at hindi kami gumagamit ng chlorine sa panlinis ng tubig, kaya laging fresh” pahayag pa ni G. Acordo.

Sending
User Review
0 (0 votes)
scroll to top