MEDTEC muling magsusupply ng 200k facemasks sa DTI

Dahil sa patuloy na pagkalat ng COVID-19,nagkaroon ng kakulangan sa supply ng face masks sa iba’t-ibang bahagi ng mundp, kasama na ang Pilipinas. Kung kaya’t ang Department of Trade and Industry (DTI)ay muling humingi ng tulong sa MEDTEC, nag iisang factory sa loob ng Freeport Area of Bataan (FAB) sa bayan ng Mariveles na gumagawa ng face masks, na muli silang makabili ng 200,000 piraso ng face masks sa lalong madaling panahon, na agad namang tinanguan ng pamunuan ng MEDTEC.

Sa isang panayam kay DTI Secretary Mon Lopez sa isang programa sa television, sinabi niyang nais ng DTI na makasiguro na may sapat na supply ng face masks sa merkado bukod pa sa mapanatili ang standard retail price(SRP) nito na P12.50 kada piraso.
Matatandaang sa kasagsagan ng pagkalat ng 2019 Corona virus ay MEDTEC ang sumagip sa kakulangan ng supply ng face mask sa buong bansa sa pamamagitan ng Dept of Trade and Industry.
Nakilala rin ang MEDTEC nang pumutok ang bulkang Taal noong Enero 12 ng taong ito, kung saan ito ay nag donate ng 100, 000 piraso ng face masks sa mga biktima ng pagputok ng nasabing bulkan.

Sending
User Review
0 (0 votes)
scroll to top