Mga barangay, kumikilos upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19

Nagtakda na ng araw ng pamamalengke ang Pamahalaang Panlungsod ng Balanga upang mapigilan ang pagkalat ng COVID 19 sa 25 barangay ng Lungsod. Simula ngayong ika- 23 ng Marso 2020 ipinatupad na ang atas upang maiwasan ang sabay sabay ng pagpunta ng mga mamimili sa palengke kaya daglian din ang pamimigay ng Home Quarantine Pass ng mga kapitan ng barangay sa bawa’t pamilya, pati na ang itinakdang araw at oras para sa pamamalengke.

Kung kaya naghihigpit ang pamunuan ng City Marshal at City Health Office sa lahat ng papasok sa loob ng palengke kung kaya kailangan lagi nilang dala ang inisyung pass ng barangay at kung hindi araw ng inyong barangay para mamalengke, huwag kayong pupunta sa palengke dahil hindi kayo papayagan. Ginagawa ng mga opisyal ng barangay ang lahat ng pamamaraan para maiwasan ang pagkalat ng COVID 19 tulad ng Barangay Cataning na hinarangan ng buho ang kalsada para hindi na makapasok ang ano mang uri ng sasakyan sa kanilang lugar at isa lamang ang tanging daan na binabantayan ng ilang City Enforcer at Barangay Tanod.

Sending
User Review
0 (0 votes)
scroll to top