Mga negosyo sa Samal, dumami

Sa ikatlong Town Hall Address ni Mayor Aida Macalinao noong nakaraang Linggo, sinabi niyang nagtala ang bayan ng Samal ng 662 registered establishments nitong Jan-June, 2020 kumpara sa 607 ng nakaraang taon 2019. Ayon pa kay Mayor Aida, dahil umano sa pagdami ng mga nag- nenegosyo sa kanilang bayan ay nakakolekta sila ng 14.50Milyon sa loob lamang ng kalahating taon.

Samantalang sa kanilang real property tax, nakapagtala umano sila ng kabuuang koleksyon na 7, 760, 734.51 piso kung saan ay nahigitan nila ang koleksyon ng nakaraang taon na 6, 002, 330.45 piso na ayon pa sa masipag na punong- bayan na ito ay sa panahon ng pandemya.

Sending
User Review
0 (0 votes)
scroll to top