Mini 4-wheel tractor matatanggap ng BCUFA

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Nakatakdang dumating  ano mang araw mula  ngayon ang isang Mini 4-wheel tractor na ipagkakaloob naman sa Balanga City Upland Farmers Association (BCUFA) sa Barangay Dangcol ng Lungsod na ito.

Ayon kay Ronnie Lopez, City Supervising Agriculturist inihahanda na lang ni Jesus Saldeo Chairman ng BCUFA ang trailer para makuha nila ang naturang traktora.
Sinabi din ni G. Lopez na ang BCUFA ay binubuo ng mga magsasaka mula sa mga Barangay ng Dancol, Tanato at Cabog-Cabog.

Ipinahayag naman ni Nerie Mateo, City Agriculturist, na sa tulong ni City Mayor Francis Garcia nahingi nila ang nasabing Mini Tractor sa Department of Agriculture Region 3 nang walang ano mang equity.

Idinagdag pa ni Mateo na nitong nakaraang Lunes lang nagbigay ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ng 250 banyera at 40 coolers  sa samahan ng mga fish processors sa Barangay Pto. Rivas.

“Ang samahan ng mga fish processors sa Lungsod ng Balanga ay may 85 kasapi, iyung ibang cooler susunod na, maaaring dumating ngayong buwan alam mo naman masipag ang kanilang Chairman na si Amanda Battad kaya lagi silang may natatanggap na tulong sa Pamahalaan”, dagdag pa ni Mateo

Sending
User Review
0 (0 votes)
scroll to top