Modernong school building binuksan sa Abucay

Pinangunahan ni dating bokal Dexter “Teri Onor” Dominguez ang inagurasyon ng dalawang palapag na silid aralan sa P. Rubiano Elementary School Brgy. Mabatang, Abucay, Bataan nitong Miyerkoles.

Dinaluhan ito nina Punong Barangay Juanito Silva, barangay officials, GPTA President Mrs. Lilian L. Mendoza, Provincial Consultant Guding Ferrer, DepEd Abucay PSDS Dr. Lingad, School Head of P. Rubiano Elementary School Miss Vilma D Bermillo, Metro Builders Construction, Parent Teachers Association, Parish Priest Rev. Father Milver Cruz at ni Bataan 1st District Representative Geraldine B.Roman.

Matapos ang pormal na pasinaya ay nagsagawa ng inspeksyon sa gusali upang masiguro ang katibayan at kaayusan nang bagong lilipatan ng ating mga mag-aaral.
May sariling water tanks at water sources ang gusali, malinis at maayos na comfort rooms, typhoon at earthquake proof at PWD-friendly pa.

Sending
User Review
0 (0 votes)
scroll to top