Mulawin Bike Patrol umarangkada sa Orani

Pormal nang idineploy ni Punong Barangay Marvin Dela Cruz sa Barangay Mulawin sa bayan ng Orani, Bataan ang kanyang binuong Barangay Mulawin Bike Patrol.
“Kauna unahan ito sa bayan ng Orani. Sa ganitong paraan ay inaasahan natin na mas mabilis lalo ang pagresponde ng ating barangay tanod kontra kriminalidad at emergency situations,” banggit pa ni PB Dela Cruz.

Ayon pa kay Dela Cruz, pangunahin niyang layunin dito ay ang kaligtasan ng kanyang mga kabaranggay.
“Kainaman nito, mas madaling mapapasok ng mga tanod natin ang mga sulok sulok at mga eskinita gamit ang mga bikes sakaling dumating ang mga hindi inaasahang pangyayari na mapasok tayo ng masasamang elemento ng lipunan,” sambit pa ng premyadong punong barangay.

Bago sumabak sa pagpapatrol sa barangay ay sumailalim muna ang bike patrol team para sa karagdagang kaalaman at karunungan sa pagtupad sa kanilang bagong tungkulin.
Sampung bisikleta ang magagamit ng 17 barangay tanod na siyang bumubuo ng Mulawin bike patrol team.
Si PB Dela Cruz noong unang taon pa lamang sa panunungkulan ay ang siyang kauna-unahang barangay official sa bansa na nagpatupad ng road clearing operations para maging maluwag at maaliwalas ang mga pangunahing kalsada ng Mulawin.
Katuwang ni PB Dela Cruz o Kap Marvin sa paglulunsad ng bike patrol team ang ilang opisyal ng PNP at BFP.

Sending
User Review
0 (0 votes)
scroll to top