๐— ๐˜‚๐—ป๐—ถ๐—ฐ๐—ถ๐—ฝ๐—ฎ๐—น-๐˜„๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ ๐—ฑ๐—ถ๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ณ๐—ฒ๐—ฐ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—ฝ๐—ฎ๐—ฑ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฆ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—น

Kahit weekend ay personal na pinangasiwaan ni Mayor Aida Macalinao ang municipal-wide disinfection at massive sanitation drive kontra sa pagkalat ng COVID-19 sa kanyang bayan nitong nagdaang Sabado.

Katuwang ni Mayor Macalinao ang mga kapwa opisyal at empleyado ng munisipyo, mga punong barangay, kagawad at barangay workers sa pagpapatupad nito sa tulong ng PNP Samal, BFP Samal DepEd, at DILG.
Bawat lugar at kalsada ay binugahan ng likidong pang disinfect para maiwasan ang mga maaring nahawakan o nadaanan ng mga posibleng carrier ng naturang sakit na itinuring na ngayon ng World Health Organization na isang pandemic.
Bukod sa bayan ng Samal ay nagsagawa rin ng kahalintulad na massive sanitation and disinfection ang mga bayan ng Orani, Hermosa at Balanga City.
Inaasahang magsasagawa rin ng ganitong hakbang ang iba pang bayan sa Bataan.

Sending
User Review
0 (0 votes)
scroll to top