Nais ang magandang ani

Dumalo ang mga opisyal ng Sulong Magsasaka Association (SUMAKA) sa isang araw na seminar workshop na pinangunahan ng BIOSOLUTIONS International Corporation sa Sitio Malauang Cupang Proper Balanga City, Bataan nitong Miyerkules, ika-11 ng Marso 2020.

Ayon kay G. Emmanuel M. Piadoso, Supervisor/TSS Agriculture Division ng Biosolution, nais ng kanilang kompanya na ilapit sa mga magsasaka ang makabagong pamamaraan ng pagtatanim ng palay at gulay na subok na sa ibang bayan na talagang lumaki ang bunga ng kanilang pananim.

“Ang aming kompanya ay handang tumulong sa mga mahihirap na magsasaka dahil tuluy-tuloy ang aming ginagawang pagsasaliksik upang gumanda ang ani at humusay ang pamumuhay ng ating mga magsasaka sa Lungsod at iba pang bayan” ani pa G. Piadoso.

Ituturo naman ni G. NiΓ±o Ruben ang tamang pamamaraan ng pagtatanim ng gulay at palay gamit ang organikong pataba na hinaluan ng ilang produkto ng Biosolution kung saan aani nang hanggang 120 kaban ng palay sa isang ektarya ng lupa.

Sa susunod na buwan magsasagawa ng aktuwal na demonstrasyon si G. Ruben sa Sitio Maluang kung paano ang pagtatanim ng palay at gulay upang mas lalo pang magsumigasig ang ating mga magsasaka.

Sending
User Review
0 (0 votes)
scroll to top