Pagsasaayos ng capitol compound, sisimulan na!

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Sa katuwaan na rin marahil sa magandang laro ng Bataan Risers kasabay pa nito ang pagiging champion ng capitol employees basketball team sa nakaraang Companies Basketball league, ay masayang inanunsyo ni Gov. Abet Garcia na simula sa ilalawang linggo ng Nobyembre ay ipapa bid na ang pagsasaayos ng buong capitol compound.
Ayon pa sa kanya, kabilang sa mga isasaayos na mga pasilidad sa Capitol Compound ay ang mga sirang bubong, pagpapaganda ng mga comfort rooms at higit sa lahat ang pagpapa aircon ng Bataan People’s Center para lalo pa umanong maging komportable ang panonood sa mga programa at sports activities sa nasabing center.
Sinabi pa ni Gov. Abet na habang pinapaganda ang ibat ibang pasilidad sa capitol ay magbubuo na ang ibat ibang grupo o departamento ng mga sports activities tulad ng zumba, yoga at iba pa para tayo ay maging physically fit, mawala ang mga sakit na diabetes, matunaw ang mga cholesterol at lalo pang lumusog ang katawan at magkaroon ng balanse at magandang buhay.

Sending
User Review
0 (0 votes)
scroll to top