Panukalang batas para sa mga kabataan, kababaihan at may kapansanan, isinulong

Apat na panukalang batas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang kamakailan ay naipasa na sa ikatlong pagbasa sa lebel ng mga komite rito. Ayon sa ulat ni Bataan 1st District Representative Geraldine B.
Roman, una rito ay ang House Bill No. 5235 o ang “National Autism Care Plan Act” na susuporta sa mga ‘persons with autism.’ Sa kanyang Facebook Page post ay sinabi ni Rep. Roman na kagaya ng mga walang kapansanang mga mamamayan ay may karapatan din silang mamuhay ng normal. Ikalawa ay ang House Bill 137 na magpapabigat ng mga parusa sa mga nangaabuso sa kabataan.
Ayon sa mambabatas tutol sya na parusahan ang mga bata at ang dapat managot aniya ay ang mga taong “nageexploit sa kanila thru stiffer penalties!” Ang House Bill 5829 naman ay ang Good Manners and Right Conduct Act na naglalayong
ibalik ang pagtuturo ng GMRC sa mga kabataan at pangalagaan ang mabubuting traditional Filipino values.
Bukod sa mga nabanggit na House Bills ay aprubado na rin ang HB 5869 o ang Anti-Violence against
Women and their Children Act na naglalayong patawan ng parusa ang lahat ng uri ng harassment gamit ang social media. “Sa panahon ngayon, hindi lang po physical at sexual ang forms of harassment. Meron na ring harassment sa social media. Let’s end violence. Stop electronic violence!, sambit pa ni Roman.
Chat Conversation End
Sending
User Review
0 (0 votes)
scroll to top