Patuloy ang pagdakip sa mga “asong gala” sa Balanga

Dahil may batas na ipinagbabawal ang mga naglipanang aso sa daan, matagal nang ipinatutupad ng City Veterinary Office ang panghuhuli sa mga ito sa lahat ng mga barangay sa Lungsod ng Balanga.

Ayon kay Dr. Billy Samson ng City Veterinary Office, marami nang nahuhuling mga nagkalat na aso sa daan ang kanilang mga tauhan.Nakadadakip umano ang kanilang mga tauhan ng lima hanggang sampung aso sa isang araw na kanila namang dinadala sa ipinagawa nilang kulungan sa Sitio Maluang Cupang Proper para sa kanilang pangangalaga.

Sinabi pa ni Dr. Samson na ang mga may ari ng mga aso na kanilang nahuhuli na tutubos sa kanilang alaga ay kanilang pinangangaralan na itali ang kanilang alaga at kung gusto nila itong matubos ngunit wala silang pambayad, sila ay dadaan sa voluntary service sa itinakdang araw ng nasabing ahensiya.

Sending
User Review
3 (2 votes)
scroll to top