Pilar, 1st CPR Ready Municipality sa buong Pilipinas

Pinangunahan ni Mayor Charlie Pizarro ang inisyatibo para makamit ng bayan ng Pilar ang pagiging “1st CPR-Ready Municipality sa buong Pilipinas na adbokasiya ng Phil. Heart Association Inc. at ng Phil College of Cardiology, sa tulong pa rin ng iba’t ibang ahensya tulad ng DOH, PNP, DEPed, mga punong barangay at iba pa.

Sa ginanap na awarding ceremony noong nakaraang Sabado (Feb 8) ay tinanggap ng bayan ng Pilar sa pangunguna nina Vice Mayor Marino Caguimbal, Konsehala Cecilia Garcia, Kon. Edgardo Lulu, Kon. Cipriano Paguio at iba pang opisyal ang Plake ng Pagkilala sa kanilang bayan bilang 1st CPR Ready Municipality mula sa Phil. Heart Ass’n sa pangunguna ni Dr. Aurelia G. Leus, Pangulo ng nasabing samahan.

Sa mensahe ng pasasalamat ni Konsehala Cecilia Garcia bilang kinatawan ni Mayor Charlie Pizarro ay sinabi nitong patuloy nilang gagawin ang nasabing adbokasiya at sisikaping ituloy ito mula sa mga barangay hanggang sa bawat household at sisiguraduhing ang lahat ng mga mamamayan ay matutong magbigay ng cpr sa mga taong nangangailangan nito para makapagdugtong ng buhay.

Ayon naman kay Dr. Aurelia Leus, Pres. ng PHA, na ang atake sa puso ay ang no.1 killer disease sa ngayon, kung kaya’t sa kanila sa Phil Heart Ass’n ay lalo pa nilang pinaiigting ang kanilang kampanya at adbokasiya para mapababa pa ang bilang ng mga namamatay sa atake sa puso.
Bukod sa itinuro sa nasabing programa kung ano ang dapat gawin para mapangalagaan ang puso, ay itinuro nila ang numerong 52100 na sumisimbolo sa, 5- limang serving ng gulay at prutas araw araw, 2 gramo ng asin sa buong araw, 1 oras na ehersisyo sa buong araw, 0- zero smoking at 0- sa inuming matatamis o mga softdrinks. gyundin nagkaroon ng mass training ng CPR sa mga mamamayan.

Sending
User Review
0 (0 votes)
scroll to top