Plant now, Pay later

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Kung mayroon ang Department of Education ng programang “Study Now, Pay Later” ang Balanga City Agriculture Office ay mayroon namang programang “Plant Now, Pay Later” na inilunsad ngayong buwan.

Ayon kay City Agriculturist Nerissa Mateo ang programang ito ang isinusulong ngayon ni City Mayor Francis Garcia sa lahat ng mga mahihirap na magsasaka dito sa Lungsod.

Sinabi ni Mateo na ang mga nasabing magsasaka ay bibigyan ng binhi ng Pamahalaang Panlungsod nang libre at papalitan ito ng mga magsasaka, makaraan na sila ay mag-ani.

Sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Panlungsod sa PhilRice ay nailunsad din ang proyektong Upland Rice Production kung saan 20 ektarya ng lupa sa Barangay Dangcol ang gagawing demo farm.

Sa paliwanag ni Mateo sa nasabing demo farm ang traditional pigmented rice ay inaasahang makapagbibigay ng masaganang ani sa mga magsasaka.

Tuturuan din ang mga magsasaka na gumawa ng biological pesticides upang masanay sila sa pagtatanim gamit ang organikong pamamaraan.

Upang lalo pang matulungan ang mga magsasaka makatatanggap din ang Balanga City Upland Farmers Association ng Rice Thresher mula PhilRice.

Sending
User Review
0 (0 votes)
scroll to top