Pledge of Commitment, nilagdaan sa Camp Tolentino

Naging tampok sa paglulunsad ng “Disiplina Muna”, isang adbokasiya ng pamahalaan na naglalayong itanim sa puso’t isipan ng bawat Pilipino ang kultura ng disiplina, ang paglagda sa Pledge of Commitment ng lahat ng panauhin sa nasabing pagtitipon na kinabibilangan ng mga kinatawan ng Sangguniang Kabataan, NGAs, mga opisyal at miyembro ng PNP at mga kawani ng pamahalaan

Ang nasabing paglulunsad na ginanap sa Camp Tolentino, Lungsod ng Balanga, nitong nakaraang Lunes ay pinangunahan ni Bataan PNP Provincial Director Col. Jesus Rebua samantalang panauhing pandangal naman si LGOO VIII Melissa del Rosario Nipal, Cluster Head ng DILG Bataan. Ayon kay LGOO Nipal, layon ng Disiplina Muna ang patuloy na pagpapalaganap ng kultura ng disiplina sa pangunguna ng bawat ahensya ng gobyerno, upang makatulong sa tagumpay ng anumang programa ng iba’t ibang sangay nito tulad ng mga LGU’s, SK at maging halimbawa sa kanilang mga nasasakupan.

Malinaw namang nakasaad sa Pledge of Commitment na kanilang isasabuhay at paninindigan dahil naniniwala silang walang hindi magagawa ang mga mamamayang nagkakaisa tungo sa isang hangarin at namumuhay nang may displina.

Sending
User Review
0 (0 votes)
scroll to top