Pondo para makabili ng medical equipment, inaprobahan ng SP

Aabot sa 10 milyong piso ang pondong inaprobahan ng Sangguniang Panlalawigan ng Bataan kahapon, ika-6 ng Hulyo sa kanilang regular session sa pangunguna ni Bise Gobernador Cris Garcia na ginanap sa The Bunker. Ayon kay Board Member Reynaldo Ibe Jr., Committee Chairman on Finance, Budget at Ways and Means ang pondo ay gagamitin sa pagbili ng mga medical equipment gaya ng mga ct scan machines na ilalagay sa mga district hospitals sa lalawigan at iba pang pangangailangan ngayong panahon ng pandemic.

Sending
User Review
0 (0 votes)
scroll to top