Provincial Housing Board itatatag kontra pagdami ng iskwater

   Sa kanyang liham kay Bataan Gov. Albert Garcia, hiniling ni Board Member Dante Manalaysay, Chairman ng Committee on Housing and Land Use, sa Gobernador na magpadala ng kinatawan mula sa bagong-tatag na Metro Bataan Development Authority (MBDA) na pinamumunuan ni dating Pilar Mayor Charlie Pizarro bilang Chairman para makatuwang sa pagbalangkas ng isang ordinansa sa pagbuo ng nasabing housing board sa kanilang pagpupulong bukas sa SP session hall sa ganap na alas 10:00 ng umaga.

   “It will also serve as venue in appreciating the implementing activities, scope of responsibilities and functions of the MBDA so as to avoid overlapping of duties/functions and guidelines, among others, of the proposed Provincial Housing Board,” dagdag pa ni Manalaysay.

   Nabatid na sa isinagawang joint meeting ng Committee on Housing and Land Utilization at ng Committee on Rules and Ethics ng provincial council, naging sentro ng kanilang talakayan ang problema sa dumaraming bilang ng mga informal dwellers sa iba’t ibang lugar sa Bataan at isa sa kanilang nakikitang solusyon para mabilis na matugunan ang problemang ito ay ang pagtatatag ng Provincial Housing Board sa pamamagitan ng isang ordinansa.

   Ang provincial housing board ay inaasahang magsisilbing tangapangasiwa sa implementasyon ng socialized housing program sa Lalawigan sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan nito sa Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC), Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB), Pag-Ibig at National Housing Authority (NHA).

Sending
User Review
0 (0 votes)
scroll to top