Samal, nakamit ang National ADAC gold award

Isa ang bayan ng Samal sa tatanggap ng National Anti-Drug Abuse Council Gold Performance Award mula sa DILG dahil sa magandang resulta ng ADAC Audit National Calibration.
Ayon kay Mayor Aida Macalinao, ang ADAC Gold Award ay ipinagkakaloob sa mga LGUs na nakapagtala ng 100% o perfect score base sa mga criteria na sinusunod sa ADAC performance ng nakaraang taong 2018.

Natutuwa si Mayor Macalinao, hindi lamang dahil sa sunud- sunod na mga major awards na nakukuha nila mula sa national at maging sa mga local award giving bodies kundi dahil din sa mahusay na performance ng buong administrasyon ng Samal at maging ng Sangguniang Bayan na nagkakaisa sa kanilang pagsisikap para sa mamamayang Samaleno.

Ayon sa DILG, ang performance ng LGU tulad ng implementation ng ADAC plans and programs, fund allocation, prompt submission of reports, support to component ADAC and conduct of quarterly meetings na 100% na naisagawa ng mga concerned officials sa nasabing programa gayundin ang partisipasyon ng komunidad ay maayos na naisakatuparan ng bayan ng Samal ng buong katapatan.

Kasama rin ang mga bayan ng Hermosa, Orani Morong at Pilar sa mga tatanggap ng ADAC Gold Award mula kay Pangulong Rodrigo Duterte, na gaganapin sa Dec. 16, 2019 sa Manila Hotel.

scroll to top