Sanitary landfill sa Abucay, sisimulan na

BUCAY, Bataan – Tuloy na ang konstruksyon ng mga pasilidad sa loob ng gagawing  sanitary landfill sa Sitio Macao, Barangay Capitangan ng bayang ito.

Ayon kay Municipal Engineer Ernesto Vergara, ilalagay sa 9.4 na ektarya ng lupa ang naturang sanitary landfill habang apat na ektarya naman ang nakalaan para  sa Ecological Center.

Ang makabagong landfill ay binigyan ng prayoridad ni Abucay Mayor Liberato Santiago para maibsan na umano ang matagal na suliranin sa basura ng bayang ito.

Sending
User Review
0 (0 votes)
scroll to top