Service vehicles, ipinamahagi sa 14 na barangay

Masayang ibinalita ni Mayor Aida Macalinao kahapon, sa panahon ng flag raising ceremony ang pamamahagi ng 9-seater service vehicles sa 14 na barangay sa bayan ng Samal. Layon umano nito na mapabilis ang pag responde ng mga rescue teams sa mga oras ng sakuna o emergency.

Dagdag pa ni Mayor Macalinao na layunin din na magamit ang mga service vehicles sa iba’t ibang serbisyong panlipunan at makatulong para mapalakas pa ang paglilingkod sa mga Samaleño.
Nanguna sa pagbabasbas sa mga sasakyan si Fr. Mar Perez kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan sa pamumuno ni Vice Mayor Jun Espino at mga empleyado ng Pamahalaang Bayan ng Samal at ang 14 na Punong Barangay. Dumalo din si Atty. Tony Boy Roman bilang kinatawan ni Cong. Geraldine Roman.

Sending
User Review
0 (0 votes)
scroll to top