Tagisan ng talento ng mga nanay sa Mother’s Day

   Nabatid kay Velmen Larozo, supervising administrative officer ng CHRMO, na aabot sa 211 nanay ang kanilang inaasahang lalahok para sa group o individual category para magpakita ng kanilang mga kakaibang talento sa pag-awit at pagsayaw at husay sa pagsagot sa question and answer portions kung saan ang magwawagi ay tatanggap ng cash prize.

   “Simpleng katuwaan lang ito upang magbigay pugay sa ating mga nanay. Kung dati ay binibigyan natin sila ng free massage or free haircut, ngayon naman ay  gusto nating maipakita ng mga nanay ang kanilang hidden talents,” dagdag pa ni Larozo.

   Bukod sa pamamahagi ng mga bulaklak at simpleng token sa mga ina habang silaý hinaharana  ni Denise Lanuza sa saliw ng pagtugtog nito ng violin, magkakaroon din ng inspirational talk at pagbabasbas si Rev. Father Antonio Quintos sa mga nanay.

   Magbibigay din ng kanilang mga mensahe at pagbati sa mga world-class na mommy ang dalawang miyembro ng Sangguniang Panglungsod na kapwa mga ina rin na sina Konsehala Ma. Liza Vasquez, pinuno ng Committee on Women and Family at Committee on Tourism at Konsehala Vianca Lita Gozon, chairman ng Committee on Finance, Budget and Appropriation at Committee on Environmental Protection and Solid Waste Management, at gayun din si City Administrator Rodolfo De Mesa.

Sending
User Review
0 (0 votes)
scroll to top