Teri Onor nagbigay tulong sa mga biktima ng sunog sa Orani

Patuloy ang pagdagsa ng mga biyaya sa mga naging biktima ng sunog sa Barangay Pantalang Bago, Orani.
Nitong Biernes ay dumating ang tulong mula sa LOVE TERI Foundation Inc. ni dating Provincial Board Member at showbiz personality na si Dexter “Teri Onor” Dominguez.

Sinamahan si “Bokal Teri” ni Orani Mayor Efren Pascual Jr. at personal na binisita ang lugar ng mga kabahayang nasunog noong madaling araw ng Mierkoles.
Nauna rito ay nagbigay din ng kani-kanilang tulong sila Bataan 1st District Rep. Geraldine Roman, Hermosa Mayor Jopet Inton, Mulawin Punong Barangay Marvin Dela Cruz at iba pang personalidad.
Si Dominguez ay kasalukuyang provincial consultant ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bataan.

Nitong ng mga nakalipas na buwan simula ng kanyang huling termino bilang bokal ay nakasungkit siya ng pondo mula sa pamahalaang nasyonal at naitayo ang mga bagong school buildings sa bayan ng Abucay pati na sa iba pang bayan sa Bataan.
Si Dominguez ay nagsilbi muna sa bayan ng Abucay bilang vice mayor bago tumakbong bokal sa Unang Distrito ng Bataan at natapos ang tatlong termino nitong nagdaang Hunyo 2019.

Sending
User Review
0 (0 votes)
scroll to top