Todo suporta ang SK sa 1 million trees for 1Bataan

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Buung-buo ang suporta ng Sangguniang Kabataan (SK) sa programang ilulunsad ng Pamahalaang Panlalawigan na “ONE MILLION TREES FOR ONE BATAAN” (1M 4 1B) na ilulunsad sa ika-10 ng buwang kasalukuyan sa People’s Center Capitol Compound.
Ayon kay SK Federation Chairman at Sangguniang Panlalawigan Member Precious Manuel lahat ng SK sa 11 bayan at 1 lungsod ay makikilahok sa nasabing programa.
Ang tree planting ay pwedeng isagawa ng indibidwal na tao o grupo sa kani-kanilang bakuran, kabukiran at lahat ng bakanteng lote, sa kaparangan o kaya naman sa may mga espasyo pa nilang bukid.
Matapos na mailunsad ang nasabing programa sa Sept. 10 hinikayat ni BM Manuel ang lahat ng kabataan at maging ang ating mga kababayan na simulan na ang pagtatanim ng mga puno.

Sending
User Review
0 (0 votes)
scroll to top