Update sa local ordinance ng Orion, aprub sa Bataan SP

Unanimously approved! Ito ang naging desisyon kamakailan ng Sangguniang Panlalawigan ng Bataan sa panukala ni Board Member Benjie Serrano Jr. kaugnay sa concurrence ng Municipal Ordinance (No. 94 01-110) ng Orion patungkol sa operasyon ng bagong Municipal Slaughterhouse. Ayon kay BM Serrano na siyang SP Chairman ng Committee on Trade, Commerce and Industry, ang naturang lokal na ordinansa na naipasa noon pang Hulyo 14, 1994, ay kailangang ma-update na ang ilang polisiya patungkol sa governing rules and regulations na pang-lokal at nasyonal.

Ang bagong municipal slaughterhouse ng Orion ay matatagpuan sa Brgy. Sto. Domingo at nagsimulang nag operate nito lamang Hunyo 2020. “Taking into consideration the applicability of some policies, there is a need to update the rules and regulations to govern the operation and management of the new municipal slaughterhouse and adopt new policies enforced by National Government Agencies that are deem applicable in the operation of the said slaughterhouse,” paglilinaw pa ni Bokal Serrano. Samantala, tinalakay naman nitong Lunes ng SP Committee on Agriculture, Food and Fishery, kung saan Committee Chairman din si Bokal Serrano, ang request at provision ng mga agricultural machineries kagaya ng tractor, rice transplanter at harvester para sa proyektong Palayan ng Bayan patungo sa Agricultural Development Center.

Ayon pa kay BM Serrano, ito ay bilang aksyon sa kahilingan para sa donasyon at grant na manggagaling sa Department of Agriculture-Philippine Center for Post- Harvest Development and Mechanization. Kasama sa Agenda 216 ng SP Bataan ang kahilingan na mabigyan ng otorisasyon ang Provincial Government na magamit ang provincial lot sa Pantingan, Pilar para mapaglagyan ng mga donasyong agri-machineries. Sa Agenda 217 ay tinalakay naman ang kahilingan pa rin sa nabanggit na ahensya sa DA na ma-grant ang request for donation na rice mill at mechanical dryers at magamit ang bahagi ng Command Center Warehouse para paglagyan ng mga nabanggit na agricultural equipments.

Sending
User Review
0 (0 votes)
scroll to top