VP Leni nagpasalamat kay Mayor Gila

Abut-abot ang pasasalamat ni Vice President Leni Robredo kay Dinalupihan Mayor Gila Garcia dahil sa pag-anyaya sa kanya bilang panauhing-pandangal sa ikatlong anibersaryo ng “Bahay Pagbabago,” isang community-based reformation center para sa mga kasong kinasasangkutan ng illigal na droga.

Sinabi ni Robredo na tanging Bataan lamang ang nakita niyang mayroon ganitong reformation center na kung saan nagtutulung-tulong ang lokal na pamahalaan at iba’t-ibang sektor ng kumunidad.

“Kagaya nga ng sinabi kanina ni Mayor Gila, ang problema sa droga ay hindi problema ng isang tao lang, ito ay hindi problema ng pulis. Ito ay problema ng lipunan na dapat pagtulung-tulungan natin,” paliwanag pa ng kontrobersiyal na pangalawang Pangulo ng bansa.

Labis na ikinatuwa ni Robredo ang pag imbita sa kanya dahil ito umano “ay unang araw ng pangatlong linggo ng kanyang panunungkulan bilang pangalawang pinuno ng Inter-agency committee on anti-drug.
“Napakapalad nyo, Hindi lahat ng lugar ay maroon ganito. Iparamdam natin sa lahat ang ating pagkakaisa,” sabi pa ni VP Leni.

Sending
User Review
0 (0 votes)
scroll to top