“Women power” sa barangay elections

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Ito ang ibinalita ni Atty. Gilbert Almario nang sya ay maging panauhin sa Power Radio 104.5 FM. Sinabi niya na may 73 mga kababaihan na ang nag-file ng candidacy sa pagka-punong barangay at 747 naman ang lalahok sa eleksyon bilang mga kandidato sa pagka-kagawad.

Ayon sa ating Provincial Election Office, isang magandang pangitain na ang mga kababaihan ay aktibong lalahok sa darating na eleksyon, nagpapatunay lamang ito na ang mga kababaihan ay tunay na mulat na sa sitwasyon ng lipunan at pumapantay na sa karapatan ng kalalakihan.

Ibinalita rin ni Atty. Almario na taliwas sa sinasabi ng COMELEC national na mababa ang turn out ng mga nais kumandidato lalo na sa pagiging SK Chairman, na dito umano sa lalawigan ng Bataan, ay marami ang nag-file ng certificate of candidacy, as of today, ayon kay Almario, di pa kasali ang last day of filing, ay mayroon na umano mga 231 candidates sa pagka-SK Chairman; 1,018 sa pagka- SK kagawad; 412 sa pagka-punong barangay at 3,282 sa pagka-kagawad.

Nilinaw din ni Atty. Almario na hindi umano epektibo ang dynasty bill sa barangay eleksyon na kung saan, hindi umano pwedeng kumandidato ang isang kabataan sa barangay kung mayroon siyang malapit na kamag-anak na incumbent official hanggang sa 2nd degree of consanguinity.

Nanawagan din si Atty. Almario sa mga mamamayan, na sana ngayong darating na eleksyon ay gamitin ng ating mga mamamayan ang karapatang bumoto, dahil ang tagal nating hinintay ang barangay election, higit sa lahat, pag-aralan ang mga ibobotong mga kandidato dahil kilala umano ng bawat botante ang mga kandidato sa barangay, pakapiliin umano ang mga taong sa palagay nila ay malaki ang maitutulong sa pag-unlad ng pamayanan at iwasan ang mga kandidatong hindi maganda ang record lalo na yung may record sa droga.

Sending
User Review
0 (0 votes)
scroll to top