banner

17 buntis sa Mariveles nagpasiklaban

Written by
  • Ernie E.
  • 9 years ago

    MARIVELES,  Bataan-  Labing-pitong  buntis  sa  Mariveles,  Bataan   ang nag pasiklaban upang masungkit ang titulong Gng Buntis 2014 na ginanap sa People’s Center Miyerkules ng gabing puno ng saya.

   Sa opening number pa lamang ay tilian na sa tuwa ang maraming manonood sa nagsisikip na Mariveles People’s Center. Lalo ng lumakas ang palakpakan at may paghangang sigawan nang magpakita ng iba-ibang talento ang mgakalahok at rumampa na suot ang naggagandahang long gowns.

   Tulad ng karaniwang beauty pageant, may question and answer portion din.Ang mga tanong ay halos sumesentro sa pagbubuntis at pangangalaga sakalikasan.

   “Kalikasan ay Pangalagaan Para sa Kinabukasan ng nasa Sinapupunan.” Ito ang pinaka-tema ng selebrasyon.“

   Sa Mariveles, pinangangalagaan natin ang mga buntis pati na ang kalikasan tulad ng bundok at karagatan ,” sabi ni Mayor jesse Concepcion.

   Hinarana at hinandugan ng rosas ni mayor ang mga buntis.

   Ayon kay Dr. Cleoty Concepcion, maybahay ng punong-bayan at chairpersonng Buntis congress, ang Gng Buntis pageant ay hindi lamang beauty contest.“Ang mga babae ay tinuturuan ng mga dapat gawin sa panahon ng kanilang pagbubuntis hanggang sa sila’y makapanganak na.”

   Lagi, aniyang,  nakaalalay ang municipal health center sa pamumuno ni Dr.Danilo Velasco at iba pang health institutions sa Mariveles upang magabayanang mga nagbubuntis.

   Sa 17 kandidata, 20 taong gulang ang pinakabata at 32 taong gulang namanang pinakamatanda.  Mula  sa  lima hanggang walong buwan ang kanilang pagbubuntis.

   Pinaka mapalad  si  Guen  Acosta,  22,  isang  pastry  maker  sa  barangay Maligaya, matapos siyang mapili bilang Gng Buntis Nature 2014. Ang mga runner-ups ay tinawag na Gng Buntis Earth, Air at Fire.

  Ito ang unang pagbubuntis ni Acosta.

Article Tags:
·
Article Categories:
News

Comments are closed.

Shares