banner

2023 Healthy Bulilit Program

Written by
2023 Healthy Bulilit Program
  • Zeny S.
  • 9 months ago

Totoo sa kanilang bisyon na wala nang magiging malnourish na mga Mariveleños sa taong 2030, ang yunit pamahalaang lokal ng Mariveles ay nakipag-partner sa GNPower Mariveles Energy Center Ltd Co. sa paglulunsad ng Healthy Bulilit 2023 Program na idinaos sa Romalaine Seafood Restaurant nitong ika-29 ng Agosto.

Ang nasabing paglulunsad ay pinangunahan ni Mayor AJ Concepcion, kasama sina G. Dennis Jordan, Pres. CEO, GMEC at GNPD, G. Arcel Madrid- AVP for Community Relations, G Joseph Chavez- Program Manager, MSWDO Rhei Cuadro at Municipal Nutritionist Ma. Thea Dondonayos.

Layunin ng nasabing programa na mabigyan ng kaalaman at kakayahan ang ating mga day care workers, gayundin ang mga magulang tungkol sa mga masustansyang pagkain na kanilang ihahanda para sa mga bata upang sila ay lumaking malakas at malusog.

Sa mensahe ni Mayor AJ Concepcion, hinimok niya ang kanyang mga kapwa magulang na maglaan ng oras para matutukan ang pagkain, nutrisyon at kalusugan ng mga anak. Kasabay nito namahagi rin siya ng 500 set ng mga gamot, hygiene kits at mga kutsara’t tinidor para matutunan din umano ng mga bata ang pagpapanatili ng kalinisan sa kanilang mga personal na gamit.

Samantala sinabi naman ni CEO at Pres, Dennis Jordan ng GNPD at GMEC na natutuwa sila na naging bahagi sila ng mahalagang hakbang para sa kalusugan at nutrisyon ng mga bata, at makaaasa ang Mariveles na patuloy silang susuporta sa mga makabuluhang programa at proyekto para sa mga bata at kabataan.

Article Categories:
Health

Leave a Reply

Shares