banner

288 magsasaka at mangingisda, nakatanggap ng survival loan

Written by
  • Jonie L. C.
  • 4 years ago

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Umabot sa 288 ang kabuuang bilang ng mga magsasaka at mangingisda na naapektuhan ng bagyong Ompong at Josie ang nakatanggap na ng kanilang survival loan nitong Lunes sa tanggapan ni Mayor Francis Garcia ng lungsod na ito.
Ayon kay City Agriculturist at City Environment and Natural Resources Officer Nerissa Mateo, ang bawat isa ay nakatanggap ng halagang P5,000 o aabot sa kabuuang halaga na P1.440 milyon, na galing sa Department of Agriculture sa ilalim ng kanilang programang Survival and Recovery Loan.
Sinabi ni Mateo na ibabalik ng mga nakinabang ang naturang halaga sa loob ng tatlong taon na walang interest.
Ang mga magsasaka at mangingisdang ito ang nasiraan ng mga pananim at bangka noong kasagsagan ng bagyong Ompong at Josie.

Article Tags:
· · · ·
Article Categories:
Agriculture · News

Comments are closed.

Shares