AFAB inilantad ang 100% renewable energy mix sa Arangkada 2025

AFAB inilantad ang 100% renewable energy mix sa Arangkada 2025

Masayang ibinahagi ni Authority of the Freeport Area of Bataan (AFAB) Administrator at CEO Hussein P. Pangandaman ang makabagong inisyatibo ng Freeport Area of Bataan (FAB) sa paggamit ng 100% renewable energy mix sa loob ng industrial zone. Tampok ito sa kanyang keynote address sa Arangkada Philippines Forum 2025 na ginanap sa Marriott Grand Ballroom, Pasay City, noong ika -26 ng Setyembre.

Ayon kay Pangandaman, layunin ng ganitong hakbang na higit pang patatagin ang pagiging kompetitibo ng FAB at magsilbing huwaran ng sustenableng pag-unlad. Kabilang din sa kanyang tinalakay ang tatlong haligi na nagbibigay bentahe sa FAB bilang investment hub: ang estratehikong lokasyon, ang espesyal na charter nito, at ang pinadaling proseso ng pagnenegosyo.

Binigyang-diin din niya ang dedikasyon ng AFAB sa pagpapalawak ng Business-to-Government (B2G) opportunities upang palakasin ang pakikipagtulungan sa mga ahensya ng pamahalaan, mga lider ng industriya, at pribadong sektor. Ang Arangkada Forum ay nagsilbing plataporma para sa mga policymakers at negosyante upang talakayin ang kalagayan ng pamumuhunan sa bansa, mga reporma sa regulasyon, at mga bagong oportunidad sa merkado.

Leave a comment